Tuesday, 24 January 2012

‎[ GMA Network] Tito, Vic & Joey, guests sa concert nina Wally at Jose sa Araneta!
[Abante Online] Jun Nardo

Lalarga na ang first major concert nina Jose at Wally sa Araneta Coliseum sa March 2 sa ilang confirmed guests na sina Tito, Vic and Joey at Ai Ai delas Alas. Pero upang lalo pang lumakas, pumayag ding maging guest ni ALJUR ABRENICA at hinahanapan na lang ng female guest na makakasayaw ni Jose dahil hindi pumuwede si Marian Rivera.

Isa pa sa highlights ng show ay ang pag-i-impersonate ng ilang showbiz characters gaya ni Willie Revillame na pumatok sa YouTube. Gustuhin mang isama ang paggaya ni Jose sa character ni Gerald Anderson na Budoy, baka maputol lang ito once ipalabas ang coverage sa TV na exclusive sa GMA-7.

Bukod diyan, baka umal­ma na naman ang isang grupo ng human rights group na hindi muna tumulong sa mga tao kesa magreklamo nang magreklamo na pinaglalaruan ang may kapansanan, huh!

Basta, humanda nang tumawa sa Jose & Wally Show Party For Juan & All sa Big Dome sa March 2! Ito ang show na kakabog sa lahat ng comedy shows na pinalabas na sa Araneta Coliseum.

No comments:

Post a Comment