Sunday, 29 January 2012

‎ Dahil taga-ABS-CBN na: Iza Calzado bawal na sa GMA-7!


ISA nang lehitimong Kapamilya si Iza Calzado at dahil dito, mawawala na rin siya sa Eat Bulaga. Hindi na nga naman maganda na bilang Kapamilya, patuloy pa rin siyang mapanonood sa GMA-7 kahit sabihin pang block timer ang Eat Bulaga. Gusto raw sana ni Iza na bago mawala sa noontime show, makapagpaalam muna siya sa staff at televiewers nito pero hindi na siya pinayagan dahil isa na nga siyang Kapamilya. Isang young actress raw ang papalit kay Iza sa nasabing show at kung walang magiging aberya, ipakikilala na ito sa noontime show any day soon. Anyway, anuman ang naging desisyon ni Iza na maging Kapamilya, sana ay naging maganda rin ang pamamaalam nito sa Kapuso Network. Aminin man o hindi ni Iza, isang malaking kawalan ang Eat Bulaga sa kanya dahil laging nangunguna ang nasabing noontime show at pinapanood ng sambayanang Pilipino.

No comments:

Post a Comment