Sunday, 29 January 2012
ISA nang lehitimong Kapamilya si Iza Calzado at dahil dito, mawawala na rin siya sa Eat Bulaga. Hindi na nga naman maganda na bilang Kapamilya, patuloy pa rin siyang mapanonood sa GMA-7 kahit sabihin pang block timer ang Eat Bulaga. Gusto raw sana ni Iza na bago mawala sa noontime show, makapagpaalam muna siya sa staff at televiewers nito pero hindi na siya pinayagan dahil isa na nga siyang Kapamilya. Isang young actress raw ang papalit kay Iza sa nasabing show at kung walang magiging aberya, ipakikilala na ito sa noontime show any day soon. Anyway, anuman ang naging desisyon ni Iza na maging Kapamilya, sana ay naging maganda rin ang pamamaalam nito sa Kapuso Network. Aminin man o hindi ni Iza, isang malaking kawalan ang Eat Bulaga sa kanya dahil laging nangunguna ang nasabing noontime show at pinapanood ng sambayanang Pilipino.
Tuesday, 24 January 2012
[ GMA Network] Tito, Vic & Joey, guests sa concert nina Wally at Jose sa Araneta!
[Abante Online] Jun Nardo
Lalarga na ang first major concert nina Jose at Wally sa Araneta Coliseum sa March 2 sa ilang confirmed guests na sina Tito, Vic and Joey at Ai Ai delas Alas. Pero upang lalo pang lumakas, pumayag ding maging guest ni ALJUR ABRENICA at hinahanapan na lang ng female guest na makakasayaw ni Jose dahil hindi pumuwede si Marian Rivera.
Isa pa sa highlights ng show ay ang pag-i-impersonate ng ilang showbiz characters gaya ni Willie Revillame na pumatok sa YouTube. Gustuhin mang isama ang paggaya ni Jose sa character ni Gerald Anderson na Budoy, baka maputol lang ito once ipalabas ang coverage sa TV na exclusive sa GMA-7.
Bukod diyan, baka umalma na naman ang isang grupo ng human rights group na hindi muna tumulong sa mga tao kesa magreklamo nang magreklamo na pinaglalaruan ang may kapansanan, huh!
Basta, humanda nang tumawa sa Jose & Wally Show Party For Juan & All sa Big Dome sa March 2! Ito ang show na kakabog sa lahat ng comedy shows na pinalabas na sa Araneta Coliseum.

Wednesday, 18 January 2012
Show ni Vice lalagyan ng co-host!
Mukhang hindi desisyon ng ABS-CBN ang pagpapalit ng format ng Sunday show ni Vice Ganda kundi ni Vice na mismo. Pagod na raw yata ito sa pagpapatawa kaya ang gusto naman niyang pagtuunan ng pansin ay ang kanyang pagkanta.
Huling Linggo na ng Gandang Gabi Vice sa Linggo (Jan. 22). Pagkatapos nito, ibang format na. Tanging si Vice lamang ang mare-retain, ang lahat ng tungkol sa show ay mapapalitan kasama na ang titulo nito.
Mukhang maraming palabas ng Dos ang magbabago. Ang Happy Yipee Yehey ay una nang nabalitang ire-reformat. Pero, ang huling balita naman ay mawawala na talaga ito at sa halip, sa slot nito ilalagay ang It’s Showtime na mula’t simula hanggang sa ngayon ay ganun pa rin kalakas ang rating.
C/O philstar
Subscribe to:
Posts (Atom)