Wednesday, 1 February 2012

Dingdong Dantes: Handang Maghubad!

Malaki na ang ipinayat ni Dingdong dahil pinaghandaan niya nang husto ang mga eksena niya sa My Beloved kung saan kasama niya ang mga Angel of Death na tagasundo sa mga namamatay.

Naka-topless sila rito at mga nagaguwapuhang hunks ang kasama niya ritong mga anghel kaya kailangang hindi magpapahuli si Dingdong sa mga nagagandahang katawan.

Kinarir ni Dingdong ang pagda-diet at pag-eensayo. Nadagdagan pa ng matinding eksena nilang mga anghel na kinunan sa Roxas Blvd, kaya nagkasakit na raw ito kinabukasan.

Exci­ted i Dingdong sa My Beloved at ipinagmamala­ki niya na ibang-iba ito sa mga nakaraang seryeng nagawa niya.

Kahit si Marian ay malaki rin ang iginanda sa bago niyang hairstyle kaya bagong look ang dalawang bida sa My Beloved.

No comments:

Post a Comment